Jersey City, Clifton NJ | NY | FL

Mga Abogado sa Personal na Pinsala

MALALAPITAN

Ang Bagolie Friedman Injury Lawyers ay isang pinagkakatiwalaang kumpanyang legal ng mga ordinaryong Amerikano. Dahil sa pangamba sa gastos at kumplikasyon, marami ang hindi sumasangguni sa mga abogado. Dito sa Bagolie Friedman Injury Lawyers, tinitiyak namin na mababawasan agad ang anumang uri ng pangamba. Ang unang konsultasyon MO ay laging LIBRE. Sa maraming kaso (lalo na sa mga kasong may kaugnayan sa pinsala), ang kabayaran ay nakabatay sa contingency. Ibig sabihin wala kang babayaran hanggang sa maipanalo namin ang kaso mo. Sa mga kasong ito, ang kabayaran ay nakaugnay sa porsyento ng halaga na iyong makukuha.

 

PINAPANGALAGAAN KA

Sinuman ang kalaban mo, ang Bagolie Friedman ay handang lumaban para protektahan ka. Nakamit namin ang magandang reputasyon sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga kaso at pagwawalang-bisa sa mga salaysay ng malalaki at makapangyarihang nasasakdal. Kami ay may kakayahan, kapamaraanan at higit sa lahat, katapangan na pangalagaan ka. Isang aksidente sa opisina, pagkakaroon ng kanser o asbestosis mula sa pagkahantad sa mga mapanganib na kemikal, pinsala mula sa malubhang aksidente sa motor, pinsala na natamo mula sa depektibong produkto, mga kumplikasyon mula sa isang prosesong medikal…ang lahat ng ito ay maaaring magkaroon ng kalunos-lunos na epekto sa buhay mo. Subalit, ikaw ay makakaasa sa katotohanang mabibigyang-buhay ng opisina ng Bagolie Friedman ang batas para sa iyo. 

 

ANG AMING MIYEMBRO

Nagmula sa iba’t-ibang sektor ang aming mga propesyonal at masisipag na abogado. Sila ay may kaalaman at kasanayan upang makapagbigay ng resulta sa mga bagay na may kinalaman sa usaping batas. Patuloy nilang pinapalawak ang kanilang kakayahan at sila ay nagkikita-kita ng regular upang pag-usapan ang mga isyu sa kani-kanilang lugar ng pagsasanay. Sa pamamagitan nito, malalaman nila ang mga pagbabagong may kinalaman sa batas. Ang kawani ng aming opisina ay nakapaloob sa isang istraktura ng pangangasiwa na sumasaklaw sa teknolohikal na suporta at mga serbisyong administratibo.

 

ANG AMING KASANAYAN

Ang Law Offices of Bagolie Friedman ay binubuo ng mga abogado ng personal na pinsala at kabayaran ng mga manggagawa na may opisina sa Jersey City at Clifton New Jersey at pati na rin sa Hollywood Florida. Ilan lamang sa aming mga kasanayan ay ang mga kasong may kaugnayan sa personal na pinsala at maling litigasyon ng kamatayan na may kaakibat na aksidente ng mga sasakyan, mga pinsala sa riles ng tren / FELAkabayaran ng mga manggagawa, maling prosesong medikalmga pang-aabuso sa loob ng tahanan ng pag-aaruga, mga paghahain na may kinalaman sa gamot at botika, pananagutan ng isang produkto at paghahain laban sa depektibong produkto, pagkahantad sa abestos / mesothelioma / nakakalasong kemikalpagkalason mula sa pinturang gawa sa leadlitigasyon sa pagkawala ng pandinig ng mga bumbero & paramediko, litigasyon na pangkapaligiran kasama ang nakakalasong amag at social security law at disability law, at mga bagay na may kinalaman sa munisipal na hukuman at mga tiket sa trapiko tulad ng pagmamaneho nang nakainom (d.w.i), pagmamaneho ng may impluwensiya ng anumang elemento (d.u.i.), pagmamaneho ng higit sa itinakdang limitasyon at mga paglabag sa paggamit ng mga trak na may sobrang timbang.

 

 

Ang Opisina ng Bagolie Freidman Injury Lawyers ay matatagpuan sa Jersey City, New Jersey na may satellite offices sa New York, at Florida. Ang Bagolie Friedman Injury Lawyers ay nakatuon sa mga sumusunod na sangay ng batas.

Sa mga sangay na ito, ang kawani at Mga Abogado ng Bagolie Friedman Injury Lawyers ay may lakas ng loob at kakayahan na kumatawan para sa iyo kahit na sa pinakakumplikadong kasong may kaugnayan sa batas.

Kung ikaw ay may problemang legal na wala sa mga nabanggit na saklaw, susubukan namin na isangguni ang iyong isyu sa abogadong kwalipikado sa nasabing saklaw ng batas.

Representasyon ng Personal na Pinsala sa New Jersey, New York at Florida

Dahil sa aming tagumpay sa pagtulong sa mga biktima ng mga aksidente mula sa personal na pinsala, kami ay lumago at lumaki ang saklaw ng aming kumpanya sa buong Estados Unidos. Sa kasalukuyan, ang Law Firm of Bagolie Friedman ay may opisina sa New Jersey, New York, Florida, at pati sa Australia. Kung hihilingin mo ang serbisyo ng Law Firm of Bagolie Friedman ikaw ay makakakuha ng higit pa sa isang abogado sa personal na pinsala, ikaw ay magkakaroon din ng koneksyon sa isa sa pinakamagagaling na grupo na may kaalaman sa batas sa Estados Unidos. Kung ikaw o sinuman na kakilala mo ay biktima ng mga pinsala mula sa kapabayaan ng iba sa mga nabanggit na lungsod sa ibaba, mangyaring makipag-ugnayan sa mga abogado sa personal na pinsala ng Bagolie Friedman para sa libreng konsultasyon ngayon.

New Jersey Injury Lawyers

Ang New Jersey Law Offices of Bagolie Friedman Injury Lawyers ay matatagpuan sa Jersey City (Hudson County), New Jersey sa Historic Five Corners Building malapit sa PATH trains, sa labas ng Journal Square. Kami ay ilang minuto lang ang layo mula sa kabayanan ng Manhattan at malapit sa New Jersey Turnpike, Routes 1 & 9, sa Pulaski Skyway at iba pang pangunahing lansangan.

Absecon Cape May Hackensack Newark Rahway
Asbury Park Clifton Hoboken North Wildwood Salem
Atlantic City Corbin City Jersey City Northfield Sea Isle City
Bayonne East Orange Lambertville Ocean City Somers Point
Beverly Egg Harbor City Linden Passaic South Amboy
Bordentown Elizabeth Linwood Patterson Summit
Bridgeton Englewood Long Branch Perth Amboy Trenton
Brigantine Estell Manor Margate City Plainfield Union City
Burlington Garfield Millville Pleasantville Ventnor City
Camden Gloucester City New Brunswick Port Republic Vineland

New York

Ang aming mga opisina sa New York ay madaling matatagpuan malapit sa Midtown Manhattan sa Garden City, Long Island. Ang aming mga opisina sa New York ang nangunguna sa pagharap sa mga kasong nasa limang distrito sa New York City (New York County, Bronx County, Brooklyn – Kings County, Queens County, at Staten Island – Richmond County), Rockland County, Westchester County, Nassau County, at Orange County. Ang mga mahahalagang kaso ay pinapangasiwaan sa buong bansa.

Albany Cortland Ithaca Mount Vernon Oneonta
Amsterdam Dunkirk Jamestown New Rochelle Oswego
Auburn Elmira Johnstown New York City Peekskill
Batavia Fulton Kingston Newburgh Plattsburgh
Beacon Geneva Lackawanna Niagara Falls Port Jervis
Binghamton Glen Cove Little Falls North Tonawanda Poughkeepsie
Bronx Glens Falls Lockport Norwich Rensselaer
Buffalo Gloversville Long Beach Ogdensburg Rochester
Cohoes Hornell Mechanicville Olean Rome
Corning Hudson Middletown Oneida Syracuse

Florida

Ang aming opisina sa Florida ay matatagpuan sa Hollywood (Broward County), Florida sa Circle Drive. Kami ay ilang minuto lamang ang layo mula sa kabayanan ng Ft. Lauderdale at Miami Beach at malapit sa Route 95 at sa Florida’s Turnpike.

Alachua Chattahoochee Delray Beach Homestead Melbourne
Altamonte Springs Clearwater Everglades City Jacksonville Miami
Apalachicola Cocoa Flagler Beach Jasper Miami Beach
Apopka Cocoa Beach Fort Lauderdale Key West Miramar
Boca Raton Coconut Creek Fort Myers Kissimmee Naples
Boynton Beach Cooper City Fort Pierce Lake Buena Vista Okeechobee
Bradenton Coral Gables Gainesville Lake Worth Opa-locka
Callaway Coral Springs Hallandale Lakeland Orlando
Cape Canaveral Daytona Beach Hialeah Lauderhill Palm Bay
Cape Coral Deerfield Beach Hollywood Margate Palm Beach Gardens

Inaanyayahan ka namin na bisitahin ang aming website para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming serbisyo. Asahan na ang lahat ng nilalaman ng site ay nakasulat sa wikang Ingles. Bukod pa dito, mangyari lamang na gamitin ang wikang Ingles sa pakikipag-ugnayan.

I-click ito para makapasok!

Mga Abogado sa Personal na Pinsala February 18, 2018

Jersey City (Main Office)

Bagolie Friedman Injury Lawyers
648 Newark Avenue
Jersey City, NJ 07306

201-656-8500
Toll Free: 866-333-3529 and
1-888-422-4654 (888-4-Bagolie)

info@bagoliefriedman.com

Other Locations

Clifton
157 Ackerman Avenue
Clifton, NJ 07011
Phone: (973) 546-5414

New York
377 Oak Street
Garden City, NY 11530
Fax: (954) 927-0337

Florida
3900 Hollywood Blvd.
Hollywood, FL 33021

Follow Us

Subcribe to Our Newsletter

Get the Bagolie Friedman NEWSLETTER-CLICK HERE